
Madaling araw na nang umuwi si Juan. Kaya naman pagating niya ng bahay ay sinalubong siya ng kanyang galit na Misis.
MISIS: Hoy! Magaling na lalaki, bakit ngayon ka lang?
JUAN: Honey... pa-paasensya na *hik*... pasensya na, ha... Nagyaya kasi mga officemates ko *hik*. Nakisama lang... kaso nagkainuman konti, kaya ngayon lang nakauwi. Sorry, love you... hi hi hi...
MISIS: Lasing ka, noh?
JUAN: Ako? Honey... hindi ako lasing... *hik*
MISIS: Tigilan mo nga ako! Anong hindi? Paano ka nagkaroon ng officemates, eh wala ka naman trabaho!
No comments:
Post a Comment