Kulang ng 1,000 Pesos

Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!



Inumaga na ng uwi si Mister dahil gumimik pa sila ng mga officemates niya dahil "It's Pay Day Yesterday".

MISIS: Hoy! Bakit ngayon ka lang, saan ka na naman nanggaling? Hindi ka man lang nagpaalam!

MISTER: Sorry, Hon... biglang nagkayayaan sa office, hindi rin kita nasabihan kaagad dahil naiwan ko sa office ang cellphone ko... Heto nga pala yung salary ko this month.

MISIS: (Binilang ang laman ng sobre) Teka, bakit kulang ng Isang Libo ito?

MISTER: Eh kasi, Hon... naki-ambag ako kagabi.

MISIS: P1,000 ang ambag mo? Ang galante mo ha...

MISTER: Hindi Hon, naawa kasi ako eh...

MISIS: At kanino ka naman naawa, aber?

MISTER: Nag-ambag ako ng 200 para sa Beer... tapos yung 800 binigay ko sa Dancer, awang-awa kasi ako sa kanya, wala syang damit.

No comments:

Post a Comment