![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCFLRatfcPrGs4uxJRDEwYsXZcoE_4a3ybkR_9lYN7I0-e6Ui1CDsd6JE2gI1nGfoSRdkEZ9tYOfCn5GXChaOHM_gYO6BcwyDJVFkYz2vyYRg25Ee7BOcqrNS6kMCdYFG7hL5eTt2ReYc/s1600-rw/rh-lulubog-ang-barko.jpg)
First time mapapanood ni Juan ang movie na Titanic sa isang cable channel. Biglang dumating ang kanyang best friend na si Pedro dahil wala itong magawa sa kanilang bahay.
JUAN: Oh, bro... napanood mo na ba itong Titanic?
PEDRO: Oo tol, kaso hindi ko na matandaan kasi bata pa ko that time...
JUAN: Sige, panoorin natin. First time ko itong mapapanood.
PEDRO: Alam mo ba bro, naikwento sa akin ng aking Lolo na nakita niya daw ang paglubog ng Titanic?
JUAN: Ah, talaga bro?
PEDRO: Oo, tol! Sinabihan daw niya yung mga tao na lulubog yung barko pero hindi siya pinapansin...
JUAN: Grabe naman, dapat kinumbinsi ng Lolo mo...
PEDRO: Oo, tol! Hindi tumigil si Lolo, inisa-isa yung mga tao para sabihin na lulubog talaga yung barko hanggang sa dumating yung punto na...
JUAN: Na... naniwala lahat sa kaniya?
PEDRO: Hindi tol, dumating sa punto na pinalabas na siya ng Sinehan ng mga Guard, ang ingay daw kasi eh...
No comments:
Post a Comment