![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiIVbN6XgIQ34ZrhlFGdupaKUHKEN2D6mOzwBaVTXuYYhR2x7njvKoqfCzvRYWZ9BXS7qM__L2rB66x329_dEJWHAbjIwKs6nCR4x4iH02AQX47ngvGuKPiAO4-9BmTHrJcd8r-Y5Snvw0/s1600-rw/rh-ayaw-na-ni-doc.jpg)
Humabol si Misis bago mag-closing sa isang Dental Clinic kung saan siya ay suki at laging pumupunta. Hinantay ng Doctor na makauwi ang kanyang mga Staff bago inasikaso si Misis.
DOK: Babes, kumusta ka na?
MISIS: Ayos naman, babes. Ang tagal naman magsiuwi ng mga tauhan mo, natagalan tuloy tayo dito. I miss you so much...
DOK: Oo nga eh, gagabihin ka na naman ng uwi niyan... I miss you too... alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal?
MISIS: Yes, babes... mahal na mahal din kita.
DOK: Sorry, babes... pero sa tingin ko kailangan na nating itigil ito. Nahahalata na tayo ng Mister mo, at ayokong dumating sa punto na magkakagulo pa.
MISIS: Pero, mas masaya ako kapag kasama ka. Mas nararamdaman ko ang pagmamahal at pag-aalaga sa piling mo. Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka... Huhuhu...
DOK: Masakit para sa kin ito, pero kailangan na eh... Nauubusan ka na ng palusot sa Mister mo, huling ngipin mo na yung bubunutin ngayon. Ubos na eh...
No comments:
Post a Comment