![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhb6ht4IXV6pxQtyWRrX_heaMvpxAZRsobjkkvrz5wkmQdv-hXw9qujl8H8yvYaGf8hy_qGq_6Nou8xGcR-W9fYRdo9bYVvbdXUNBf3BJCuAVJEkAxrrWDGP2aTYvkE6fY8Ro60s5ohZJs/s1600-rw/rh-natakot-sa-silip.jpg)
Habang naglalakad sa kagubatan sina Taka at Emen ay nagawi sila sa isang ilog.
TAKA: Teka, pare... huwag kang maingay, magdahan-dahan ka sa paglalakad...
EMEN: Oh, bakit naman?
TAKA: Shhh... huwag ka nga sabing maingay...
Tinuro ni Taka ang babaeng naliligo sa tubigan...
TAKA: Ayos to, pare... libreng nood ito bago tayo umuwi...
Biglang nagtakip ng mata si Emen at tila ba'y takot na takot sa nangyayari...
TAKA: Hoy... ano ka ba? Minsan lang ito, kaya huwag mong takpan ang mga mata mo...
EMEN: Kasi pare... Sabi ni Inay, masama daw manilip... magiging bato daw tayo.
TAKA: Hahaha... ang tanda mo na pare, naniniwala ka pa sa Inay mo? Paano mo naman mapapatunayan na magiging bato tayo?
EMEN: Kinabahan kasi ako, nung nakita ko si Ate sa ilog na naliligo, may unti-unting tumitigas...
No comments:
Post a Comment