![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCeA_tB9J-92t_LDeiYvoWjgbj2NG62kbkd64EipsFQXCAsr85FBjYOyOhlcI_DPBScv0XwfVpuAzMaco1B4lgPTyAYrITKoNY3t_AOWPw95uEeBhXYbLlY74v7v33Sq0BeV6j0AJ01NE/s1600-rw/-rh-darna-dorna.jpg)
Habang nagco-coffee session ang magkaibigan ay napag-usapan nila ang kanilang mga ex girlfriends. Naikwento ni Juan kung ano ang dating tawag niya sa kanyang Misis noong girlfriend pa lamang niya ito.
JUAN: Tol, alam mo ba nung girlfriend ko pa lang si Misis ay "Darna" ang tawag ko sa kanya?
PEDRO: Bakit naman "Darna"?
JUAN: Eh, kasi tol. Sobrang sexy nya at kasing katawan niya si Darna dati. Pero ngayon, "Dorna" na ang tawag ko sa kanya...
PEDRO: Oh, bakit naman nabago na?
JUAN: Kasi tol, kasing lapad na sya ng door namin.
(Narinig ng Misis ni Juan)
MISIS: Sige, sa labas ng door natin ka matutulog mamaya ha...
No comments:
Post a Comment