![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgX72Mk_erHc_0jCDYvyePKGcTmc3md1WlWJ4eWWzMSpND5uer9IZZbC9nvQ5vDfFvhXaLEbWckhvoTfMXfZNvxR6y3Mr2vKIy_lrIMZyypw_kTFe-_6ZuT-phUkqPLtoiMEMjvXe-MsiE/s1600-rw/rh-final-favorite-food.jpg)
Binigyan ng Berdugo ang mga bibitayin ng pagkakataon na makain ang kanilang paboritong pagkain. Kaya naman hindi na nagdalawang isip si Juan at nirequest ang gusto niya.
BERDUGO: Bago kayo bitayin, pagbibigyan ko kayong makakain ng masarap, sabihin niyo lang kung ano ang gusto nyo.
HAPON: I want Sashimi...
(Binitay kagad pagkatapos kumain)
KANO: I want Burger...
(Binitay din kagad matapos kumain)
JUAN: Gusto ko po ng Dragonfruit...
BERDUGO: Paano yan, hindi pa panahon ng Dragonfruit ngayon?
JUAN: Ayos lang po, sanay naman po akong pinaghihintay... "Willing to wait, sir!"
No comments:
Post a Comment