Shopee FREE Shipping
₱0 minimun spend Claim now!
₱0 minimun spend Claim now!
Sa Police Station, maraming "MP" ang naganap...
PULIS: Ano ang pangalan mo?
MATT: MP po, Sir.
PULIS: Anong MP?
MATT: Matthew Perez, Sir.
PULIS: Saan ka nakatira?
MATT: MP, Sir.
PULIS: Teka, anong MP naman iyan?
MATT: Mabalacat, Pampanga po...
PULIS: Any skills?
MATT: Solving MP, Sir.
PULIS: (nainis na) Ano na namang MP yan?!
MATT: Math Problems, Sir. Solving math problems...
PULIS: Bakit ka nag-aapply ng trabaho dito?
MATT: MP, Sir.
PULIS: (galit na) Pambihira! Anong MP yan?!
MATT: Money Problems, Sir.
PULIS: Ah... okay, thank you.
MATT: Sir, kumusta naman ang MP ko?
PULIS: Ha? Linawin mo nga! Ano na naman yan?
MATT: My Performance po, Sir?
PULIS: Ahhh... sa tingin ko may MP ka!
MATT: Ah... ano pong MP yun, Sir?
PULIS: Mental Problem!!! Buset. Kanina ka pa MP ng MP dyan.
No comments:
Post a Comment