Lolo at Lola




Isang araw, naisipan ng mag-asawa na sariwain at gawin ulit ang kanilang dating nakaugaliaan noong nagliligawan pa lamang sila...

LOLO: Honey, ano kaya kung ibalik natin ang nakaraan, nung bago pa lang tayo magsyota?

LOLA: Sige ba, Hon... Nakaka-miss din ang nakaraan natin...

LOLO: Oo nga, sige bukas doon tayo magtagpo sa dati nating tagpuan.

LOLA: Hintayin mo na lang ako dun, ha...


Naghintay si Lolo sa tabing ilog dala ang 3 roses at mga chocolates, ngunit dumilim na at hindi sumipot si Lola. Naisipan niyang umuwi na lang sa bahay nila, nadatnan niya si Lola nakahiga at tumatawa.

LOLO: Honey, bakit hindi mo ako sinipot kanina?

LOLA: Eh kasi, hindi ako pinayagan ng parents ko...

No comments:

Post a Comment

Loading...